AKONG MAKATA

AKONG MAKATA

Saturday, October 16, 2010

Shooting Star by OTEP.


Nagpakitang-gilas ang isang bituin.
Kahit maayos na sa langit at nagniningning
nagpupumilit bumagsak sa lupa,
may natipuhan kasi kya nagpapansin
ginawa ang lahat ng makakaya
makakuha lang ng atensyon.
Hayun at bumagsak na nga!
At tunay na naging kapuna-puna sa lahat,
maging sa tipo niya.
Ito'y humiling pa,
"sana magtagal kami..."

Habang hawak ang kamay ng kasasagot na syota.

-OTEP

No comments:

Post a Comment