AKONG MAKATA

AKONG MAKATA

Thursday, May 17, 2012

SA LIKOD NG MGA ALON. (Behind The Waves)



(This is my 4th poem.)

Nakatanim ang mga paa sa dalampasigan,
hinihintay ang pagbati ng bukang liwayway.
Umaasang kasabay sa pagsikat ng araw ay naroon ka,
nagbabalik.
Pilit tinatanaw ang pinakamalayong kayang abutin
ng tingin,
ngunit wala ka.
Bawat paghalik ng maliliit na alon sa aking mga paa’y
nanunumbalik ang ala-ala ng nakaraan.
Umagos ang karagatan sa aking mga mata.
Pinaalat ng luha ang tamis sa aking ngiti nang
maalala ka.
Pagkat sa likod ng mga alon,
ay tiyak akong naroon ka.
Pilit na lumalayo sa akin.
Sa likod ng mga alon,
kasabay ng muling paghimbing ng araw,
naroon ako,
naghihintay.